Ano Diskarte Mo: A Portrait of Tech-Voc Success
Kung tagumpay ang pag-uusapan, hindi siguro sasagi ang Tech-Voc bilang isa sa mga paraan sa isip mo. But it’s totally possible! Here’s a video to help debunk some of the common misconceptions about it.
Kung hindi ka pa rin kumbinsido, may kwento kami para sa ‘yo.
Meet Mel Blancia
Nag-aral siya ng Hairdressing and Beauty Care sa L’Oreal Academy bago magtayo ng sarili niyang salon. She went on to take up a few more tech-voc courses, like Food and Beverages NC II, Dressmaking NC II, Nail Care NC II, and Wellness Massage (Hilot) NC II. After which, she opened the Mel Blancia Learning Institute.
Pero siyempre, marami ring siyang napagdaanang paghihirap. Pinanganak si Mel na pang-siyam sa labindalawang magkakapatid. Noong bata pa lang siya, iniwan sila ng kaniyang ama kaya kinailangan ng nanay niyang itaguyod ang buong pamilya.
Sa kagustuhan niyang makatulong sa nanay niya, nagtrabaho siya part-time sa dress factory ng tita niya. Doon, natuto siyang gumawa ng mga dress, bag, kurtina, gown at iba pa. Eventually, she took up a course on dressmaking and fashion design.
Ngayon, nagtuturo na siya sa learning institute niyang nagbukas noong 2012. Isa na siyang TESDA-accredited trainor at assessor. Nakakuha na rin siya ng college degree sa Bulacan Polytechnic University at tinapos ang pangalawa niyang degree sa Central Luzon State University. At noong nakaraang taon lang, nanalo siyang TESDA Idol sa Self-Employed Category.
Maraming paraan. Ano ang diskarte mo?
Mel Blancia’s story is a testament to the saying, “when there’s a will, there’s a way.” From being someone in dire need, she took an opportunity to turn it around, and is now helping others find and carve their own paths in life.
Hindi madali, pero hindi ka rin nag-iisa. We’re here to help! Ito isipin mo, sa pagtatapos mo pa lang ng Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track sa senior high school, pwede ka nang magpa-assess para sa National Certificate (NC) II.
After this, who knows? You could try out starting a business like Mel Blancia. O baka naman gusto mo ring magtrabaho para sa malaking airline or automobile company? Kung hindi ‘yun, pwedeng-pwede ka ring mag-freelance.
Paano mo gustong dumiskarte? Tutulungan ka namin! Mag-register ka sa Edukasyon.ph today, and we’ll help you figure out which paths you can take.
Related Stuff
Take care of your mental health
Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.