The Thing About… Having a Tech-Voc Dream
Ako si Althea Daite, isang mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng Technical-Vocational and Livelihood Strand specializing in Electrical Installation and Maintenance sa FIRST School. I am a simple woman who has simple dreams in life. Ang gusto ko lang ay makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho para makatulong sa pamilya. Bata pa lang, pursigido na akong maabot ang pangarap na iyon. I did not come from a well-off family; lumaki ako sa pamilyang kung tawagin ng iba, isang kahig, isang tuka. Eight years old na ako noong tumuntong ako ng Grade 1 dahil hindi madali para sa mga magulang ko na tustusan ang pag-aaral naming magkakapatid. That’s probably the reason why growing up, I always had this urge to help provide for my family.
Twelve years old ako nang mamasukan ako bilang tindera sa isang bus stop. Kahit hindi gaanong kalaki ang kita, kahit papaano ay may naiaambag sa panggastos sa bahay. Pinagsabay ko ang pag-aaral at ang pagiging tindera, unti-unti, nakabuo ako ng bagong pangarap sa buhay. Ang nasa isip ko noong mga panahong ‘yon, in the future, I would own a business and be a successful entrepreneur. Pero hindi naman madaling bumuo ng negosyo, hindi madaling humanap ng kapital at ng kagamitan para maging entrepreneur. Habang muli kong ini-evaluate ang pangarap ko sa buhay, hindi sinasadyang nahumaling ako sa isa pang bagay: pagkukumpuni.
Nagsimula iyon dahil madalas kong mapanood ang tatay kong electrician na nagkukutingting ng mga bagay-bagay. Nag-aayos siya ng mga sirang kable, nagpapagana ng mga sirang gamit, at bumubuo ng mga bagay na puwede pang pakinabangan mula sa mga lumang materyales. I was so amazed with my father’s ability to build and fix things. Kaya naman sa tuwing may trabaho siya, nakasanayan ko nang panoorin siya. Noong minsang nasira ang electric fan namin sa bahay dahil nag-overheat ito, sinubukan kong gayahin ang nakikita kong ginagawa ng tatay ko sa tuwing nagkukumpuni siya, and guess what? It worked! I was able to fix our electric fan! Ibang klase ng fulfillment ‘yung naramdaman ko nang mga panahong ‘yon. Maaaring simpleng bagay iyon para sa iba, pero para sa akin, that was my Eureka moment, sabi ko sa sarili ko, ito na ‘yon, hahasain ko pa ‘yung skills ko, I will pursue the Technical-Vocational Strand.
Marami nga lang nangyari habang sinusubukan kong tahakin ang landas patungo sa Tech-Voc. Nabuntis ako at nagkaanak, pero sabi ko sa sarili ko, ang baby ko ay inspirasyon ko at motibasyon, hindi siya hadlang para maipagpatuloy ko ang pangarap ko. Kaya heto ako ngayon, patuloy sa pag-aaral at desididong makapagtapos ng Tech-Voc. May mga pagkakataong nahihirapan akong pagsabayin ang pagiging ina at ang pag-aaral, pero mas nananaig ang kagustuhan kong mas matuto pa tungkol sa strand ko, at ang kagustuhan ko rin na mabigyan ng magandang buhay ang anak ko sa hinaharap.
May mga pagkakataon ding nakakarinig ako ng hindi magagandang salita tungkol sa Tech-Voc, kesyo korni raw dahil hindi academic strand, kesyo madali lang at pangtamad. Pero ang hindi nila alam, Tech-Voc is an interesting strand. Hindi ko pinagsisisihan ang pagkuha ng strand na ‘to dahil dito, nararamdaman ko talaga ang pagkatuto. Dito, hinahasa ang skills namin, kasabay ng paghasa ang kaalaman naming pang-akademiko. Dito, hindi lang puro konsepto, sinisiguro din ng mga guro namin na masusubukan naming i-apply ang mga napag-aralan namin sa mga totoong senaryo sa buhay. Sa specialization ko, pinag-aaralan namin kung paano mag-electrical wiring and installation, interpret schematic diagrams, test electrical and electronic components, and apply safety work practices. Napakaraming bagong kaalaman ang natutuhan ko dahil sa pagkuha ng Tech-Voc.
Sa hinaharap, nakikita ko ang sarili ko na matagumpay na sa propesyong ito—nagtatrabaho para sa isang kumpanya, nag-aayos ng mga makinarya, tumutulong sa pamilya, may magandang buhay na ring naghihintay para sa anak ko.
Sabi ng ilang mga kakilala ko, panlalaki raw ang mga trabahong ito. But, for me, Tech-Voc does not discriminate. Lahat ay puwedeng kumuha ng Tech-Voc, lalaki ka man o babae, may anak o wala — basta gusto mo, basta desidido.
—
Edukasyon.ph and Investing in Women are committed to providing a safe space for everyone. If you are in need of support due to experiencing gender-based discrimination or violence in the home, school or workplace, please contact the following hotlines below.
- Inter-Agency Council on Violence Against Women and their Children: 09178671907 / 09178748961
- Department of Social Welfare and Development (DSWD): (02) 931-8101 to 07;
- Philippine National Police (PNP) Hotline: 177 / (8)723-0401
- PNP-Women and Children Protection Center (WCPC): (02) 8532-6690
- Aleng Pulis Hotline: 0919 777 7377;
- NBI Violence Against Women and Children: vawcd@nbi.gov.ph
Take care of your mental health
Explore new paths
What do you want to be when you grow up?
Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.