Bawal Lumabas: Ay Pwede Na Pala Online!
Sabi nga ni Kim Chiu, ang buhay ay parang malaking silid-aralan. At sa ngayon, bawal pang lumabas kaya karamihan ng ginagawa natin mula pag-aaral hanggang tambayan ng barkada, online na lang muna.
Para sa mga may internet, madaling magbabad at manood ng mga video sa YouTube o Facebook. Baka rin naman nagkakayayaan at naglalaro ng Mobile Legends, PUBG, o kung ano mang mapaglilipasan ng oras kasama ang mga kaibigan.
Pagdating sa internet, walang limits. Lahat napupuntahan, lahat makikita, at lahat matututunan, pero tulad ng sa lahat ng bagay, pwede rin namang masobrahan. Kaya paano natin aalagaan ang sarili natin para maiwasan ‘to?
1. Tandaan na ang totoong buhay ay hindi online.
Siguro lumaki ka na sa mundong may internet. May Facebook, Twitter, at Instagram kung saan nakakikilala ka ng mga bago at dating tropa. Ngayon, hindi maiiwasang pahaba nang pahaba ang oras mo online. Kasi nga kahit classroom online na ‘di ba?
Pero maliban naman sa homework pwedeng gamitin ang internet para sa kwentuhan. Kung ‘di mo trip, may ML, PUBG, at Fortnite naman. May mga app din tulad ng Netflix party para may oras pa rin para sa bonding! Mahalagang tandaan na sa kabila ng screen ng cellphone o kompyuter mo, naghihintay lang din ang tropa, pamilya, at teachers mo.
2. OPLAN: Kontra #FakeNews at #SadHours
Ang daming balita na nagkalat sa internet ngayon. At minsan, sa dami nito, nakahihilo at nakalilito. Naghalo-halo na ang feelings, pero may healthy way para mailabas natin ang nararamdaman natin.
Pag-aralan natin ang mga issue at siguraduhing hindi fake news ang binabasa. Pagkatapos nito, maghanap ka ng mga petition o donation drive para sa mga issue na nakikita mo.
Natuto ka na nga, may nagawa ka pa! Maliit na bagay man, may nagawa ka pa rin. Unti-unti tayong babangon sa pandemyang ito. Kapit lang muna.
Kung nagsawa ka na sa social media, galaw-galaw ka rin naman ‘pag may time.
From Gen Z to gainZ, may mga fitness expert na gumagawa ng home workout routine videos na pwede mong gayahin. Nakakatulong ang endorphins sa mood, pramis!
3. Gawa ka rin naman ng time para sa sarili mo.
Totoong problema ang burn out at kung lagi kang nakababad sa homework, social media, at balita, mabu-burn out ka talaga. Ayaw natin ‘yan!
Magpahinga ka rin, kahit tulog ‘yan o paggawa ng mga bagay na nagpapasaya sa ‘yo. Makipagkwentuhan sa tropa. Mag-rank up sa ML. Hanapin si Ms./Mr. Right (kilig siya ihh). Okay lang ‘yan. Kung gusto mo pa nga, iba muna pag-aralan mo! Marami kaming certificate courses para diyan.
May pandemya man o wala, ang buhay parang marathon kaya alagaan muna ang sarili kasi matagal-tagal pa tayong magsasama-sama. Kaunti na lang makakalabas na rin tayo ng classro—ay, bahay pala. Hanggang sa gayon, padayon!
Related Stuff
Take care of your mental health
Let us help you achieve your dream job by matching you with the right schools.